Sa CRIB Ideal
School ako nag-pre-school, kasi malapit sa bahay, isang kanto lang. Dun ko na-meet si Susy at Geno at dun na nagsimula ang
phobia ko sa mascots. Pero ngayon, di na ko takot sa mascots, and dami kong nakakasamang mascots araw-araw eh haha. Di ako
makapaniwala na “Most Well Behaved Child” ako nun. Well…ayaw din ako paniwalaan ng mga tao. HMP Nung grade
1 ako, lipat ako ng Siena College,
QC. Wala namang masyadong nangyari sakin nung elementary kaya hindi ko na lang kwento. Nung high
school lumipat ako ng St. Claire
School kasi ayoko ng uniform sa Siena, long-sleeves, ang init hehe. Nung high school parang kumapal mukha ko. Imagine,
nag-Cory Aquino pa ko sa isang presentation at nauto pa ko ng classmates kong sumayaw ng naka-filipiniana something. Ano pa
ba…uhm na-enganyo pa ko maging officer sa CAT at yun, naranasan ko maging accountant at magsukat ng bewang ng mga tao
kasi Logistics Staffer (S4) ako. Naki-Sali pa nga pala ko sa school paper. Enjoy naman ang mga sabado at summers na training.
So far enjoy naman ang high school.
|