Hi I’m G. pwede ring Geee, Gi or Gie. Pero pag formal, pwede na ring Giselle. Kaso feeling ko galit
sakin pag tinatawag akong Giselle eh. Yung major description ko, babaeng nakasalamin. Di ko kasi naimagine sarili ko na nakacontact
lens. It’s not that I’m the "manang" type maintaining the "manang" look. I just couldn’t stand the thought
that I would touch my eyeballs. Kung meron man akong kinatatakutan sa buong mundo, dalawang bagay lang yun-mata at pusa. Kapag
nilapit mo sakn yan, yari ka.
Extremes ako. I can be so serious and I can be so "makulit." Sobrang serious na parang nakakatakot na. At
sobrang kulit na parang ayaw mo nang tumawa kasi sakit na panga mo. Pwede rin akong maging napakatahimik
at napakaingay. Napakatahimik na nakakatakot yung mga masid ko at napakaingay na gusto mo na kong itapon sa ibang planeta.
Makikita ako kung saan saan. Kung sino sino kausap. Lagi nagmamadali. Wala lang. To sum up, martyr at sabog.
Ang weakness ko, madali ako mapersuade. Walang sariling decision pagdating sa food at napakatamad magreply.